TV

Bagong show ni Dingdong Dantes na 'Amazing Earth,' trending ang pilot episode

By Maine Aquino

Unang pasilip pa lang ni Dingdong Dantes sa animal kingdom sa Amazing Earth, panalo na agad ito sa Kapuso viewers!

Nitong June 17, umere ang kauna-unahang episode ng bagong Kapuso infotainment show at nag-trend din ito sa top spot ng Twitter.

 

 

Ilang manonood ang nagpahayag ng kanilang tuwa sa makabuluhang programang hatid ng GMA Network. Ilan rin sa kanila ang nagsaad ng paghanga sa hosting skills ni Dingdong.

 

 

Si Dingdong ay nagkuwento tungkol sa kanyang amazing opportunity na magbahagi ng kuwento at matuto kasama ng mga manonood sa kanyang bagong programa.

 

"I am so happy to be given this opportunity to learn side-by-side with all of you through Amazing Earth. This is an "infotainment" show that aims not only to inform but also to entertain— natututo ka na, nag-e-enjoy ka pa. And it hits close to home as environmental education has been a part of our humble efforts in @yespinoy. ?But beyond this, it is an eye-opener that there is so much more to explore and to appreciate in this world, at hindi natin kailangang maging eksperto para rito. We just need to be respectful of the rules of co-existence, and genuinely care for our planet to protect the future of our children. @gmanetwork #AmazingEarth"

 

Samahan si Dingdong tuwing Linggo na saksihan ang ganda ng ating mundo sa Amazing Earth.