TV

Dingdong Dantes, ipapasyal ang mga Kapuso sa iba't ibang bahagi ng mundo | Teaser Ep. 40

By Maine Aquino

Sa mga nais mamasyal sa iba't-ibang bahagi ng mundo, si Dingdong Dantes ang bahala sa inyo ngayong Linggo.

Ngayong March 17 ay saksihan ang adventure-filled stories na ipapakita sa Amazing Earth. Ihahayag ni Dingdong ang mga kakaibang kuwento at survival skills ng mga naninirahan sa ilalim ng dagat tulad ng red starfish, parrot fish, corals, fireworm, goatfish at sperm whales na mula sa iba't ibang panig ng daigdig.

Maglakbay, mag-enjoy at matuto ngayong Linggo sa Amazing Earth, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.