TV

'Amazing Earth' hero, inanyayahan ang mga Pinoy sa National Clean Up Day | Ep. 66

By Maine Aquino

"Kung walang gagawa, sino kung hindi tayo? Kaya let's do it Philippines!"

Ito ang paalala sa atin ng Amazing Earth hero na si Dann Diez.

Si Dann ay ang founder ng Let's Do it Philippines na nagnanais masolusyunan ang waste problem ng ating bansa.

Sa kanilang talakayan ni Dingdong Dantes ay ipinaliwanag ni Dann ang kanilang mga ginagawang proyekto at paano ito makakatulong sa ating problema sa basura. Isa sa mga ito ay ang upcoming national cleanup day coalition.

Panoorin ang kuwento ng ating Amazing Earth hero: