TV

'Amazing Earth,' panalo sa ratings!

By Maine Aquino

Nagwagi sa ratings ang mga makabuluhang kwentong hatid ng Amazing Earth.

Ang Sunday infotainment show ni Dingdong Dantes ay umani ng 10.4 rating base sa NIELSEN PHILS. TAM (ARIANNA) NUTAM PEOPLE RATINGS. Habang ang kalabang mga programa naman nito ay nagkamit ng 7.8 at 8.2 na ratings.




Sa episode na ito, nakasama ni Dingdong ang folk-pop band na Ben&Ben at ang Miss Eco Teen Philippines 2019 na si Mary Daena Resurreccion.

Ibinahagi rin sa Amazing Earth ang ilang kuwento tungkol sa taingang daga, exotic food na camaru, at zero-waste online.

Samahan muli si Dingdong sa mas marami pang adventures sa Amazing Earth, tuwing Linggo pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Amazing Earth: Ben&Ben share their undying love for nature