TV

'Amazing Earth,' muling nakakuha ng mataas na rating

By Maine Aquino

Nagpapasalamat ang Amazing Earth sa mga Kapuso na patuloy na sumusuporta sa programa.

Ayon sa Nielsen Philippines TAM (Arianna) NUTAM People Ratings, nanalo ang programang pinagbibidahan ni Dingdong Dantes sa episode nitong February 2.

Ang Amazing Earth ay nakakuha ng 10.4 na rating, samantala ang katapat nitong programa ay nakakuha naman ng 9.4 rating.



Napanood sa episode ng ito ang ilang nature-friendly stories mula sa Pilipinas at iba't ibang bahagi ng mundo.

Nature-friendly na wedding, ibinahagi sa 'Amazing Earth' | Ep. 86

Abangan ang Amazing Earth tuwing Linggo, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.