TV

Isang bagong paglalakbay, mapapanood sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino

Na-miss ba ninyo ang mga kuwento ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth?

Ngayong July 26, bagong paglalakbay ang mapapanood natin sa Amazing Earth.

Ipapakita ni Dingdong ang mga kuwento mula sa bansang Peru.

Sa episode na ito ay aalamin natin kung ano ba ang Rainbow Mountain.



Mayroon pang kuwento straight from Wuhan, China.

Makakausap ni Dingdong ang isang Pinoy na naninirahan doon, kung saan nagsimula ang COVID-19.

Ibabahagi niya ang kanyang pinagdaanan nang kumalat ang ito at ang kanyang ginawa nang sinimulan ang lockdown.

Samahan si Dingdong Dantes sa bagong episode ng Amazing Earth ngayong Linggo, bago mag-24 Oras Weekend.

Dingdong Dantes and Marian Rivera value PH's environment and culture through 'Amazing Earth' and 'Amaya'

Dingdong Dantes, tumutulong sa displaced TV and film workers