TV

Millennial doctor, ibinahagi ang pinagdaraanan ng health care workers at mga pasyente

By Maine Aquino

Isang dating model na nakasama ni Dingdong Dantes sa isang commercial ay isa na ngayong frontliner.

Meet Dr. Eljohn Yee, ang millennial frontliner na ibinahagi ang kanyang kuwento sa Amazing Earth.


Si Dr. Eljohn ay isang ENT or Ear, Nose and Throat specialist sa Philippine General Hospital. Kuwento nito ay sa ENT na-a-assign ang pag-swab sa COVID-19 test.

Ibinahagi ng millennial doctor na Amazing Earth hero kay Dingdong ang hirap na hinaharap ng mga doktor.

Kuwento ni Dr. Eljohn, "One layer of difficulty is being in that personal protective suit. Ang init non e!"

Isa pa sa kanyang ibinahagi ay ang mga na-encounter niyang mga pasyente.

"Hindi lang COVID yung problema nung pasyente. Maraming types ng cases yung dumarating, so maraming mga cases doon na hindi lang sila COVID. I also had patient na very memorable na siya. Schizophrenia, a psychiatric problem who also had COVID."

Para makatulong umano sa kanilang mga pasyente na nagpapagaling mag-isa sa ospital ay nagkaroon sila ng e-dalaw.

"Nagkaroon 'yung hospital ng e-dalaw. So may laptop na available for them na makipag-chat. May times na we allow them to video call their relatives through social media. Nakaka-uplift din po na nakikita sila na nag-i-improve with their family members. Nakaka-inspire."

Bilang doktor humaharap sila sa pagsubok araw-araw. Ibinahagi ni Dr. Eljohn na mino-monitor sila ng mga kapwa nilang health care workers para magampanan nila ang kanilang tungkulin nang maayos at ligtas.

"Our hospital has very good system sa health care workers. Parang araw-araw may nangungumusta sa 'yo, mino-monitor talaga nila 'yung symptoms bago magbigay ng clearance for work, bago ka isalang ulit."

Isa pa sa kanyang ikinuwento ay ang pagsubok na hinaharap ng mga pasyenteng natigil sa pagpapa-check up dahil sa COVID-19 situation ng bansa.

"Nahihirapan mag-follow up kasi walang transportation. Mahirap, mahirap mag-commute. Meron akong patient non na bumalik 'yung cancer niya. Nahirapan silang magpa-check up. Tumawag sa 'kin 'yung anak na parang time na niya. She was dying at their house."

Bilang isa sa mga health care workers na patuloy na lumalaban sa COVID-19, nag-iwan ng mensahe si Dr. Eljohn sa mga nagpapakita ng suporta sa kanila.

"Siguro the news in social media that you see everyday is sometimes not very happy. Despite this health care situation, marami pa ring nagbibigay ng support. There are donors who donate food."

Dagdag pa niya ay sana hindi umano mawalan ng pag-asa ang mga mamamayan.

"Kahit na ganito yung sitwasyon, nandito tayo para magtulungan at sana okay lang po kayo kahit ganito 'yung nangyayari. Sana hindi po kayo nawawalan ng pag-asa."

Amazing Earth: Futuristic face shields, obra ng isang Filipino designer!


Amazing Earth: Majestic view of the Vinicunca Rainbow Mountain in Peru