TV

Pinay doctor, ibinahagi ang pagsubok na hinarap ng frontliners sa New York

By Maine Aquino

Si Dr. Alice Almendral, isang Filipino doctor sa New York ang nakausap ni Dingdong Dantessa Amazing Earth nitong August 9 para alamin ang kondisyon ng Pinoy frontliners sa US.

Kuwento ni Dr. Alice, nagsimula ang kanilang laban sa COVID-19 nang unti-unting tumaas ang infection sa New York.

"I felt helpless dahil wala kaming magawa sa kanila. Unti unti tumataas yung count ng infection sa New York and that's the time na we were asked to start wearing PPE (Personal Protective Equipment). At that time very very limited, nakakatakot. 'Yung N95, kailangan naming i-preserve for a few days ganun din 'yung PPE. Yung PPE the whole day isang gown lang suot namin."

Bukod sa kakulangan sa PPE, kulang rin ang testing kit noong nagsimulang kumalat ang COVID-19.

"Walang testing kit at that time. Then nagkaroon ng testing kit pero limited, very very limited. So ang required lang sa amin is hanggang tatlo lang. Hanggang tatlong test kits lang in a day. In one day, we see 150 patients."

Para makatulong sa ibang pasyente, nagsagawa si Dr. Alice ng drive thru testing.

"Ang criteria ko lang is basta na-expose ka to someone with COVID, magpa-test ka sa akin. Most of them walang symptoms, wala silang symptoms they just want to be tested pero positive."

Ginagawa umano ni Dr. Alice ang lahat para protektahan ang kanyang sarili at makapaglingkod bilang doktor.

"Meron akong pair of gloves. Sinusuot ko 'yun so 'yun na 'yung parang balat ko for the whole day. Ang ginagawa ko na lang nagdo-double gloves ako. Even if I'm doing all these testing everyday I remain COVID free."

Kuwento pa niya, maraming Pinoy healthcare workers ang na-expose sa COVID-19 at ito ang naging simula ng telemedicine ni Dr. Alice.

"Marami kasi dito mga nurses, mga PT na Pinoy na na-expose so during those times rin nagstart akong mag-promote ng telemedicine."

Ang motivation umano ni Dr. Alice kahit mahirap ang kanilang pinagdadaanan ay ang makatulong sa kapwa.

"Masarap kasing makatulong sa tao e. 'Pag nakikita mong gumagaan yung pakiramdam nila kasi nandun na 'yung fear eh. Siguro 'yun 'yung satisfaction ko na nakakatulong I think that's what it is."

Panoorin ang kabuuang kuwento ng Amazing Earth hero na si Dr. Alice sa Amazing Earth videos.




Millennial doctor, ibinahagi ang pinagdaraanan ng health care workers at mga pasyente

Pinoy sa Wuhan, ibinahagi na halos back to normal na sa kanilang lugar