TV

Amazing Earth: Dingdong Dantes, inalam ang sikreto ng El Deposito Water Reservoir sa San Juan

By Maine Aquino

Nagpunta sa San Juan City si Dingdong Dantes para alamin ang sikreto sa El Deposito Water Reservoir.


Photo source: Amazing Earth



Nitong May 22 sa Amazing Earth, napanood ang pagbisita ng Kapuso Primetime King sa ilalim ng Pinaglabanan Shrine sa San Juan. Dito ibinahagi ni Dingdong ang kanyang mga nadiskubre sa istorya ng lugar 150 years na ang nakalilipas.

Bukod pa rito, napanood rin sa Amazing Earth ang kuwento ng dambuhalang ahas o petrified snake ng Barangay Maulingan, Mandaon, Masbate province.



Abangan ang mga susunod na adventures ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth tuwing Linggo, sa GMA Network.

Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.