TV

Dingdong Dantes, may mga kuwentong handog mula sa Luneta Park ngayong July 3 sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino

Ibabahagi ni Dingdong Dantes ang iba't ibang mga kuwentong amazing mula sa Luneta Park ngayong July 3.

Sa bagong episode ng Amazing Earth, magbabahagi si Dingdong ng mga istorya mula sa Martyrdom of Dr. Jose Rizal area in Luneta Park.

Photo source: Amazing Earth

Ipakikilala sa Linggong ito ang dalawang outstanding nating kababayan. Isa sa mga ito ay si Melvin Ibanez, isang professional photographer sa Luneta na kilala bilang veteran sa pagkuha ng litrato ng mga turista. Makikilala rin sa Linggo ang pilot na si Floyd Bermejo, isa namang hobbyist photographer na nakilala dahil sa kaniyang kuha ng Philippine Eagle sa bagong P1,000 bill.

Tumutok rin ngayong Linggo para sa mga exciting na kuwento mula sa nature documentary series na "Epic Yellowstone: Return of the Predators."




Samahan natin si Dingdong Dantes ngayong Linggo sa Amazing Earth, 5:20 p.m. sa GMA Network.