TV

Ken Chan at Rita Daniela, muling nagpakilig sa kanilang mala-honeymoon photos

By Jansen Ramos

Matapos mag-viral ang kanilang mga larawan na tila kuha mula isang prenup shoot, muling nagpakilig sina Ken Chan at Rita Daniela sa kanilang mga bagong larawan na animo'y kuha naman sa kanilang honeymoon.

Sa mga larawang ipinadala sa GMANetwork.com ng upcoming soap ng Kapuso love team na Ang Dalawang Ikaw, makikitang nagsu-swimming ang dalawa sa dagat habang sweet na sweet.

Hindi naman idinetalye kung kasama ito sa eksena para sa bagong GMA Afternoon series ng RitKen. Gayunpaman, kitang-kita ang chemistry sa dalawa.

Mabilis namang kumalat ang mga larawan online at pinag-usapan sa Twitter.

Ika ng isang fan ng RitKen na may Twitter handle na @MCStaRK_, "From prenup to honeymoon shoot real quick."

Sabi pa ng fan, tila hawig daw ang pose nina Ken at Rita sa pool photo ng real-life couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sulat niya, "Baket niyo naman nilabanan Dong Yan?

"EZ lang talaga mag-asawa challenge sa mga to eh. HAHAHA

"Galing kasi talaga ng pose hays HAHAHAHA."

Hindi mapigilan ng RitKen fans ang kanilang kilig dahil sa teaser photos nila para sa Ang Dalawang Ikaw kaya naman hindi nakaligtas ang mga aktor sa malikhaing isip ng kanilang fans.

Sa katunayan, nakabuo agad ang fans ng wedding hashtag para sa animo'y totohanang relasyon nina Ken at Rita -- #aKENasiRita -- na patuloy nilang ginagamit sa kanilang post online.

Trending topic din sa Twitter ang "BEST WISHES RITKEN" na sinimulan ng RitKen fans.

CONGRATS SA INYONG DALAWA NI MAMI PAPII LOVE U BOTH!!! 😙😙#aKENasiRITA
BEST WISHES RITKEN

Samantala, narito ang pasilip sa mga eksena sa Ang Dalawang Ikaw na malapit na mapanood sa GMA.