TV

All-star cast of 'Ang Dalawang Mrs. Real' visits SAS


Nagsama-sama ang mga pinakamagagaling na artista ng ating henerasyon sa Sunday All Stars nitong Linggo nang bumisita ang cast ng Ang Dalawang Mrs. Real.

Top billed by the Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Kapuso actress Lovi Poe and Diamond Star Ms. Maricel Soriano, siguradong tutukan ng ating mga loyal Kapuso viewers ang bagong teleserye na aantig sa kanilang mga puso. Pakaabangan din ng mga manonood kung sino kaya kina Millet (Maricel) at Shiela (Lovi) ang may karapatan para tawagin na tunay na Mrs. Real.

Ayon kay Lovi dapat pakasubaybayan ng mga manunuod ang dekalibre nilang programa, “Inaanyayahan po namin kayo manood ng Ang Dalawang Mrs. Real ito po ay kuwento ng isang lalaki na sabay na nagmahal at nanindigan sa dalawang babaeng nagbago ng konsepto niya (Anthony) sa pag-ibig,”.

Hindi din maitago ni Dingdong Dante ang kasiyahan na mapasama sa cast ng bagong Telebabad soap na pawang beterano na sa industriya, “Kaya po in behalf of the whole cast, ako po ay proud na proud na makabilang sa grupo ng mga artistang napakagaling,”.

Kasama sa cast ng Ang Dalawang Mrs. Real ang nagbabalik Kapuso na si Ms. Coney Reyes. Ayon sa aktres masaya daw siya sa mainit na pagtanngap ng GMA-7 sa kanya, “Thank you very much I feel so loved and welcomed dito po sa GMA. Thank you so much,”

“Aasahan po namin ang inyong suporta para sa Ang Dalawang Mrs. Real. Ibang klase po ito, kasi po makikita niyo po, I would say a combination of actors. Real actors! Talagang I am so blessed to be part of this cast,” saad ni Ms. Coney.

Kasama din sa cast na pumunta sa SAS ay sina Jaime Fabregas, Dominic Roco, Alessandra de Rossi, Rodjun Cruz, Marc Abaya, Tommy Abuel and Diva Montelaba.

Panoorin Ang Dalawang Mrs. Real, simula mamayang gabi,pagkatapos ng Kambal Sirena sa GMA Telebabad.

Keep on logging to www.gmanetwork.com for the latest news and happenings about your favorite Kapuso idols.

--Text by Aedrianne Acar, Photo by Bochic Estrada