TV

Robert Arevalo, pusong mamon?

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Sa Ang Dalawang Mrs. Real, hindi na magbabago ang isip ni Henry (Robert Arevalo) at tuloy-tuloy na ang paghain niya ng kasong bigamy sa asawa ni Millet (Maricel Soriano) na si Anthony (Dingdong Dantes).

"'Yung character na Henry, masyadong righteous. Gusto niya, justice is served dahil nagkamali si Anthony. He committed a crime by marrying another woman even if he was already married. Kailangang makulong siya," paglalarawan ni Robert sa kanyang role.

Patuloy pa niya, "Straight na straight siya, very conservative. Sa kanya, nagkasala ka, you have to pay for it. At saka ang sa kanya, parang disiplina. Alam naman niya na hindi pang mahabang panahon 'yun, anim na taon. With good behavior, puwede siguro after three years or even less, you can go. That is enough time for Anthony to realize his mistakes and to resolve to lead a better life."

Unlike Henry, mas malambot daw ang puso niya sa totoong buhay. "Pusong mamon ang tawag doon, 'di ba? Sa palagay ko kung nagmakaawa talaga, lalo na kapag nagmakaawa rin ang anak ko, baka mapapayag ako na huwag nang ituloy ang habla."

Sa tingin niya, does someone like Anthony deserve a second chance?

"Oo, dahil talaga naman siyang contrite, nagsisisi talaga siya. Puwedeng patawarin, depende sa taong involved sa situation."

Nang tanungin kung dapat bang nangingialam ang mga magulang sa love life ng kanilang mga anak, ito ang naging pahayag ng award-winning actor.

"Siguro hindi na dapat makialam dahil matanda na rin naman ang anak niya, si Millet. Pero hindi mo rin mapipigilan ang isang konserbatibong ama na magduda sa motibo ng isang masyadong batang lalaki na ligawan ang kanyang anak, kahit maganda at intelihente pa 'yung anak niya."