TV

Ang Dalawang Mrs. Real: Ang susi sa sikreto ni Anthony

By Bianca Geli

Sa nakaraang mga tagpo ng Ang Dalawang Mrs. Real, sasama si Millet (Maricel Soriano) kay Anthony (Dingdong Dantes) sa business trip nito sa Cebu sa pagdududa na may ibang balak ito sa biyahe.

Dahil sa konsensya ni Anthony sa pagtataksil niya kay Millet, maghahanda siya ng sorpresa para sa asawa na magpapasaya rito. Magiging kampante si Millet na walang ibang babae ang asawa.

Nang mag-krus ang landas nina Millet at Shiela (Lovi Poe), hindi nila aakalain na iisang lalaki lamang ang karelasyon nila.

Samantala, ang buong akala ni Shiela, may maidudulot na mabuti ang pagtulong sa kanya ni Anthony, ngunit para lamang pala ito sa anak nila.

Mapigilan naman kaya ni Anthony si Sandy (Alessandra De Rossi) na ibulgar kay Millet ang pambababae niya?

Balikan ang mga eksena sa Ang Dalawang Mrs. Real:

Ang Dalawang Mrs. Real: Sweet surprise for Millet | Episode 18 RECAP (HD)

Ang Dalawang Mrs. Real: Fake concern of the unfaithful | Episode 18 RECAP (HD)

Ang Dalawang Mrs. Real: Anthony's secret is out! | Episode 18 RECAP (HD)