TV

WATCH: Aubrey Miles, pang-best actress ang gimik sa 'Ang Forever Ko'y Ikaw'

By Jansen Ramos


Sa April 24 episode ng Ang Forever Ko'y Ikaw, patuloy na sinisira ni Maya (Aubrey Miles) ang magandang relasyon nina Lance (Neil Ryan Sese) at Ginny (Camille Prats) lalo pa't nalaman niyang magpo-propose na ito rito. 

Nag-hire pa siya ng pekeng doktor para mapaniwala niya sina Lance at Benjie (Bruno Gabriel) na may malubha siyang sakit. Lalo pang umigting ang kanyang panloloko sa mag-ama matapos siyang singilin ni Andrew (Carlos Agassi) sa utang niya na 25 million.