
Ipinakita ni Mikee Quintos kung paano niya pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista.
Sa behind-the-scenes video ng Apoy sa Langit ay nakunan siya na naghahanda para sa kanyang finals week. Si Mikee ay BS Architecture student sa University of Santo Tomas (UST).
Photo source: Apoy sa Langit
Saad ni Mikee sa video, "I am downloading photos right now because finals week na. I have to make a poster, a research poster for my finals."
Ayon pa kay Mikee, kapag free time niya sa taping ay naglalaan siya ng kanyang oras sa pag-aaral.
Si Mikee ay gumaganap bilang Ning sa Kapuso Afternoon Prime series na Apoy sa Langit. Sa ngayon ay nasa ikalawang lock-in taping ang cast ng programa.
Kasama niya sa Apoy sa Langit sina Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Lianne Valentin, at ilan pang mahuhusay na mga artista.
Kilalanin ang cast ng Apoy sa Langit dito: