TV

Lianne Valentin, ibinahagi ang pinakamahirap na eksena niya sa 'Apoy sa Langit'

By Maine Aquino

Inamin ni Lianne Valentin kung ano ang isang eksenang kanilang pinaghandaan at pinaghirapan sa Apoy sa Langit.

Sa Instagram post ni Lianne, ibinahagi niya kung bakit dapat tutukan ang eksena kung saan inamin ni Stella kay Cesar (Zoren Legaspi) ang nagawa niya sa baby nila ni Gemma (Maricel Laxa).

Kuwento ng aktres sa kanyang post, "Today is an episode that you shouldn't miss. We worked hard and gave our 200% percent effort on this."

Ayon pa kay Lianne, puno ng emosyon ang eksenang ito sa Apoy sa Langit.

PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit

"One of the hardest scenes that we did. A scene that required a lot of physical strength but was mostly, full of complex emotions."

Isinulat rin ni Lianne kung paano nila pinaghandaan ang eksenang nila ni Zoren para sa episode na ito.

"Storytime: Kuya Zo (@zoren_legaspi) and I prepared and rehearsed this scene for 1 week. Very challenging and intense but it was all worth it. It truly made me love my craft more."

Balikan ang episode na ito ng Apoy sa Langit:




Samantala, tutukan ang mga susunod na magaganap sa Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.