TV

Zoren Legaspi at Lianne Valentin, hinangaan sa kanilang eksena sa 'Apoy sa Langit'

By Maine Aquino

Hinangaan ng mga manonood ng Apoy sa Langit ang latest na eksena nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin.

Sa episode nitong August 8, ipinakita ang tindi ng pag-aaway nina Cesar (Zoren) at Stella (Lianne) dahil sa nagawa ng huli sa anak ni Gemma. Tinutukan ito ng mga manonood ng Apoy sa Langit dahil ito ang rebelasyon na inaabangan nila mula kay Stella.

PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit

Ilang netizens ang naghayag ng paghanga nila sa pagganap nina Zoren at Lianne sa matinding eksenang ito.

Ayon sa comment mula sa YouTube channel ng GMA Network, "Grabe! Tulala ako sa [sobrang] galing nila"

"Ang galing. Parang totoong totoo actingan nila." saad naman ng isang netizen.

PHOTO SOURCE: YouTube

Napapalakpak naman ang isa kina Zoren at Lianne, habang ang isang netizen ay nadala raw sa tindi ng emosyon sa eksena.

"Grabe acting ni Stella at Cesar (clapping emoji)"

"Ang galing ni Cesar at Stella intense nadadala ako sa eksena nila (clapping emjois)"

Ayon sa Instagram post ni Lianne, isang linggo nilang pinaghandaan ni Zoren ang eksenang ito.

Ani Lianne, "One of the hardest scenes that we did. A scene that required a lot of physical strength but was mostly, full of complex emotions."

Dugtong pa ng aktres, minahal niya lalo ang pag-arte dahil sa challenging na eksena na ito.

"Storytime: Kuya Zo (@zoren_legaspi) and I prepared and rehearsed this scene for [one] week. Very challenging and intense but it was all worth it. It truly made me love my craft more."

Balikan ang eksenang ito ng Apoy sa Langit:

Tutukan ang mga susunod na magaganap sa Apoy sa Langit Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.