
Excited na ang mga manonood sa nalalapit na pagtatapos ng Apoy sa Langit.
Ang highest-rating afternoon drama of 2022 at Number 1 program on GMA Network's YouTube channel ay magtatapos na ngayong September 3.
Sa nalalapit na pagtatapos ng Apoy sa Langit ay nagbahagi si Zoren Legaspi ng ilang mga kuwento sa mga dapat tutukan ng mga manonood ng kanilang programa.
Ani Zoren, "It's going to end soon, pero it's going to end with a bang."
PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit
Ayon sa aktor na gumaganap na Cesar, "It's not just going to end na parang mawawala lang 'yung show. Kung nag-enjoy sila in the beginning, in the middle, mas mageenjoy sila dito sa huli 'cause its going to end with a big bang, fire works, etc."
Ikinuwento rin ni Zoren na nagkaroon sila ng magandang samahan sa programa dahil sa pagbuo ng Apoy sa Langit.
"Kaming mga cast, hanggang ngayon hindi pa kami maka-move on dahil very attached kami, hindi lang sa isa't isa kung hindi sa show na rin mismo. "
Dugtong pa ng mahusay na aktor ang kaniyang naobserbahan sa kanilang direktor na si Direk Laurice Guillen.
Saad niya, "Na-attach kami kay Direk (Laurice Guillen), because si Direk Laurice, she showed us something na hindi niya ipinapakita sa ibang shows, at nakita namin 'yun sa kanya.'
Sa huli ay nagpasalamat siya sa mga tumutok at sumuporta sa bawat episode ng Apoy sa Langit sa telebisyon at online.
Ani Zoren, "We had a great run, it's a great show, maraming natuwa."
BALIKAN ANG MAHUHUSAY NA CAST NG APOY SA LANGIT: