TV

'Artikulo 247' pilot episode, pinag-usapan online

By Jimboy Napoles

Pasok sa ikalimang puwesto ng Twitter Philippines top trending list ang #Artikulo247 na official hashtag ng pilot episode ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247 ngayong Lunes, March 7.

Ang nasabing serye ay pinagbibidahan nina Rhian Ramos, Kris Bernal, Benjamin Alves, at Mark Herras.

Sa unang episode, ipinakilala na ang mga karakter nina Rhian bilang si Jane Ortega, isang aspiring accountant, at si Kris bilang si Klaire Almazan, trophy wife ng CEO ng G&M accounting firm na si Alfred Gomez na ginagampanan naman ni Jome Silayan.

Sa Twitter, umani ng sari-saring positibong reaksyon ang serye mula sa Kapuso viewers.

"Another world-class drama from @GMADrama! I loved how it was started, also, the visuals, cinematography, background music, and OST. The level of #Artikulo247 craft is stunning! Salute sa mga persons behind in producing good quality dramas like this," saad ng isang netizen.

Marami naman ang pumuri sa bagong acting skills ni Kris bilang si Klaire na itinuturing ng aktres na kanyang first full kontrabida role.

"Kris being the antagonist is the cultural reset we all need!" komento naman ng isang fan.

Samantala, muli namang pinabilib ni Rhian ang marami niyang fans sa kanyang pagbabalik serye.

"Rhian Ramos is one of this industry's most versatile actresses, agree or not. Plus that face. Pag nag Thailand ako papagaya ko 'yan," post ng isang netizen.

Subaybayan ang Artikulo 247, araw-araw pagkatapos ng Little Princess, 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, silipin ang ilan sa mga behind-the-scenes ng Artikulo 247 taping sa gallery na ito: