TV

Jason Abalos at Matthias Rhoads, may kissing scene sa 'Asawa Ko, Karibal Ko?'

By Bianca Geli

Handa na gumanap bilang isang gay ang Kapuso actor na si Jason Abalos.

READ: Netizens, nagulat at na-excite sa bagong role ni Jason Abalos

Malaking challenge daw para sa kanya ang ganitong karakter bilang sanay siya sa mga masculine na role.

“Nahirapan ako kasi siyempre 'yung puso ng lalaki kabisado ko na yan eh. Pero 'yung puso ng babae ang hirap gawin, hindi mo alam kung paano mo gagawin 'yung emosyon nila. May mga ibang babae na mabilis magtampo.”

Dagdag niya, “Tayo naman bilang artista nandoon tayo sa masaya tayo na nacha-challenge tayo.”

Magkakaroon kaya siya ng kissing scene kasama si Matthias Rhoads na makakapares niya?

Sagot ni Jason, “Meron, so abangan niyo yan.”

Ito raw ang pinakaunang gay role at gay kissing scene ni Jason.

“First time [ko], kasi ngayon lang din ako gumawa [ng gay role] eh.”

Aniya, “Masaya ako na ipinagkatiwala ito sa akin kasi sobrang hirap.”

Kuwento ni Jason, todo handa at ingat daw ng cast and crew ng Asawa Ko, Karibal Ko na hindi maka-offend ng kahit sino sa pagpakita nila ng buhay ng isang closeted gay man at transgender women.

IN PHOTOS: The cast of 'Asawa Ko, Karibal Ko'

"Maingat 'yung show kasi hindi kami puwedeng maka-offend ng kahit sino, kahit sa pagsuot ng mga damit at paglalakad, pati pagkilos. Binusisi po nila yan. Pati 'yung mga linya at 'yung pakikipag-interact.”