TV

LOOK: Jason Abalos, may pasilip sa kanyang first gay role

By Bianca Geli

Nagbigay pasilip ang Kapuso actor na si Jason Abalos sa behind-the-scenes ng upcoming GMA Afternoon Prime soap na Asawa Ko, Karibal Ko.

Sa post ni Jason sa kaniyang Instagram stories, ipinakita niya ang kaniyang paghahanda para sa karakter niyang si Nathan, isang closet gay na may asawa, ang role ni Kris Bernal na si Rachel.

Jason Abalos at Matthias Rhoads, may kissing scene sa 'Asawa Ko, Karibal Ko?'

Kuwento ni Jason sa naganap na media conference ng Asawa Ko, Karibal Ko, mahirap ang role na ginagampanan niya at ito ang kaniyang unang gay role.

“Nahirapan ako kasi siyempre 'yung puso ng lalaki kabisado ko na 'yan eh. Pero 'yung puso ng babae ang hirap gawin, hindi mo alam kung paano mo gagawin 'yung emosyon nila. May mga ibang babae na mabilis magtampo.”

Dagdag niya, “Tayo naman bilang artista nandoon tayo sa masaya tayo na nacha-challenge tayo.”

Mapapanood ang Asawa Ko, Karibal Ko simula ngayong Oktubre.

IN PHOTOS: The cast of 'Asawa Ko, Karibal Ko'