TV

WATCH: Ang mag-asawa na naging magkaagaw sa 'Asawa Ko, Karibal Ko'

By Bianca Geli

Tunghayan ang natatanging istorya ng pagmamahal at pagtataksil sa Asawa Ko, Karibal Ko.

Kilalanin si Rachel (Kris Bernal), isang babaeng na ang tanging pangarap ay magkaroon ng masayang pamilya.

Makikilala niya si Nathan (Jason Abalos) at mapapamahal dito.

Ikakasal ang dalawa at makakabuo ng kanilang sariling pamilya.

Ngunit hindi alam ni Rachel na ang lalaking mahal niya, ay may tinatagong malaking sikreto sa kaniya.

Bata pa lang si Nathan, ay may tinatago na siyang sikreto--isa siyang pusong babae sa katawan ng isang lalaki.

Gayunman, pipilitin ni Nathan na pigilan ang kaniyang nararamdaman at mamahalin si Rachel ng tapat.

Sa umpisa ng buhay mag-asawa nina Rachel at Nathan, aakalain ni Rachel na simula na rin ng katuparan ng kaniyang pangarap.

Pero ito pala ay simula pa lang pala ng unti-unting paglabas ng mapait na katotohanan tungkol kay Nathan.

Muling balikan ang nag-trending na pilot episode ng Asawa Ko, Karibal Ko: