TV

WATCH: Handa ba si Nathan na masira ang pamilya niya?

By Bianca Geli

Mula pagkabata, alam na ni Nathan (Jason Abalos) na pusong babae siya, na nasa katawan ng isang lalaki. Ngunit dahil sa pagmamalupit ng kaniyang ama ay pinilit niyang ituwid ang kaniyang damdamin.

Pero kahit kasal na kay Rachel (Kris Bernal) at magkaanak, hindi pa rin mapigilan ni Nathan ang kaniyang tunay na nararamdaman.

Makikilala niya si Krissy (Phil Noble) na tutulungan siyang maglakas loob na sundan ang kaniyang damdamin. Kaya naman nang makilala niya si Daniel (Matthias Rhoads), hindi na niya pinigilan ang kaniyang nararamdaman para rito, kahit pa magkalamat ang relasyon nila ni Rachel.

Muling balikan ang October 23 episode ng Asawa Ko, Karibal Ko: