TV

Kris Bernal thanks viewers for 'Asawa Ko, Karibal Ko's high ratings

By Bianca Geli

Wagi sa ratings ang pilot episode ng bagong GMA Afternoon Prime soap na Asawa Ko, Karibal Ko.

Nagbigay ng pasasalamat ang aktres na si Kris Bernal sa lahat ng mga nanood at nag-react sa kontrobersyal na unang episode.

Nag-post si Kris sa kaniyang Instagram ng mensahe para sa viewers.

Aniya, “Winner ang first episode ng Asawa Ko, Karibal Ko. Nakakakilig! Maraming salamat po! My heart is full! I hope and pray we continue to win and soar high! Malaman na kaya ni Rachel ang totoong identity ni Nathan? Sabay-sabay po ulit natin panoorin mamaya ang AKKK, at 2:30PM! #AKKKSecretIdentity (P.S. Ang ganda ganda mo, @thejasonabalos).”

Mapapanood ang Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga!

WATCH: Ang mag-asawa na naging magkaagaw sa 'Asawa Ko, Karibal Ko'