TV

Kris Bernal at Thea Tolentino, nag-bonding muna bago nagsabunutan

By Bianca Geli

Nag-chikahan muna sina Kris Bernal at Thea Tolentino bago ang kanilang matitinding awayan sa eksena para sa Asawa Ko, Karibal Ko.

Kris Bernal & Thea Tolentino

Kuwento ni Kris sa kaniyang Instagram Stories, “Todo chika bago magsampalan at magsabunutan!”

Dagdag ni Kris, suot daw lagi ni Thea ang lipstick galing sa kaniyang cosmetics line na SHE Cosmetics.

“Her regular lipstick as Venus is @shecosmeticsph She's on Fire shade while I'm always wearing She Lovin' It.”

Patindi na rin nang patindi ang mga eksena ng dalawang aktres ngayong ipinatigil ni Rachel (Kris) ang kasal nina Venus (Thea) at Gavin (Rayver).

Huwag palampasin ang mga malalaking pasabog sa nalalapit na pagtatapos ng Asawa Ko, Karibal Ko.

Rachel, pinatigil ang kasal nina Venus at Gavin | Episode 108

Kris Bernal hopes to inspire and empower women through her lipstick brand

Thea Tolentino bakit mas gusto ang Friendster kaysa Facebook?

WATCH: Cat fight nina Kris Bernal at Thea Tolentino sa 'Asawa Ko, Karibal Ko,' trending!