TV

Rayver Cruz at Thea Tolentino, nagsuntukan sa 'Asawa Ko, Karibal Ko'

By Bianca Geli

Ngayong nalalapit na ang Asawa Ko, Karibal Ko finale, patindi na rin nang patindi ang mga eksena at rebelasyon sa tunay na pagkatao ni Venus (Thea Tolentino), na isang trans woman na itinago ang katotohanan para mahalin ng lalaking mahal niya, si Gavin (Rayver Cruz).

Rayver Cruz at Thea Tolentino

Tuluy-tuloy naman ang buhos ng galit ni Gavin nang malaman niya ang mga kasinungalingan ni Venus, at nauwi pa sa sapakan ang kanilang mga karakter.

Kuwento ni Rayver, “Medyo kakaiba 'yung eksena kaya maganda kasi hindi in-expect ng mga tao na gagawin ni Venus 'yun eh, so sinapak niya ako. Actually, mas pisikal 'yung sa kaniya.”

Dagdag niya, intense din ang mga awayan nina Rachel (Kris Bernal) at Venus.

“Mukhang totoo 'yung away namin sa palabas, pero 'yung kay Kris at Thea talaga 'yung nag-wrestling pa sila hanggang sa baba. Ang galing nila kasi hindi sila nagpa-double doon, e.

“Grabe 'yung effort nila para pagandahin 'yung eksena.”

Ang Asawa Ko, Karibal Ko ang naging first drama ni Rayver Cruz mula nang bumalik siya sa Kapuso Network noong nakaraang taon kaya naman emosyonal siya ngayong magtatapos na ito.

“Sobrang happy dahil ang daming supporta at ang gaganda ng mga ratings and at the same time nakakalungkot kasi napamahal ka na sa show.”

“For almost six months, lagi kaming magkakasama, naging parang pamilya na rin naming isa't isa sa show.

“Ito 'yung first show ko pagkabalik ko ng GMA, so sobrang memorable.”

Kris Bernal at Thea Tolentino, nag-bonding muna bago nagsabunutan

Gavin vs. Venus | 111