TV

'Babawiin Ko Ang Lahat' stars, thankful kay Kristoffer Martin sa pagiging susi para mabuo ang closeness nila sa isa't isa

By Aedrianne Acar

Isa-isang pinuri ng cast ng Babawiin Ko Ang Lahat ang co-star nilang si Kristoffer Martin na naging susi diumano para mas maging matibay at close ang samahan nila sa lock-in taping sa Batangas.

Sa idinaos na media conference na inorganisa ng Corporate Communications Department with the entertainment press ngayong Huwebes ng hapon, January 21, pinuri nila ang former Tween Hearts star para sa little things na ginawa ni Kristoffer for them.

Ayon kay Pauline Mendoza, na gumaganap sa first lead role niya sa isang soap, nakita niya 'yung dedikasyon ng aktor sa kanyang profession.

Sambit niya, “'Yung experience ko po with Kuya Tuntun, he's an actor, very professional talaga siya sa craft niya and everything, talagang dedicated siya sa lahat ng ginagawa niya.

“Hindi lang in real life, pati din bilang magaling na aktor, and ako aaminin ko na there were times po talaga na nahirapan ako sa eksena ko' It's really physically, mentally, and emotionally draining for me.

“Sinasabi ko nga kay Tun: paano 'to Tun?.... Nararamdaman ako ni Tun, doon ako nagulat sa kanya, bakit nararamdaman mo ako. So sabi nga ni Therese malaking bagay po si Tun, and thank you! Gusto ko po talaga mag-thank you kay Kristoffer Martin.”

Dagdag ni Pauline, “Happy ako di kasi hindi lang kita nakilala bilang isang magaling na artista, nakilala kita on who you really are as a person. 'Yung relationship nating dalawa nag-build siya and mas naging strong siya and I'm thankful for you.”

Para naman sa kontrabida star na si Liezel Lopez na madalas ka-eksena si Kristoffer, hindi daw pinaramdam ng co-actor niya na mas lamang siya sa kanila, kahit matagal na siya sa industriya.

Paliwanag ng 'Bubble Gang' star, “Kami usually magkasama, especially kuya ko siya here.

“Well, he's really a good actor, sobrang professional, he knows his craft. His eyes are very very expressive, sobrang ang daling humugot sa mata niya ng emosyon.

“And yeah, he knows how to use his instruments, sobra.”

“He makes us feel comfortable, never kaming naka-feel sa kanya na ng tensyon na mas tagal siya sa industry.

“No! walang ganun sa kanya.”

Tinawag naman na “catalyst” ng chinito heartthrob na si Manolo Pedrosa si Tuntun at malaki ang pasasalamat niya na nirerespeto nito ang boundary niya bilang introvert, lalo na noong naka-lock-in taping sila sa Batangas.

Pagbabalik-tanaw ng GMA Artist Center talent, “Siya yung catalyst kung bakit kami close.

“Siya 'yung nagdadala, siya yung kumakatok sa door: 'Come on let's bond, let's bond, let's bond' pagka-rest day.

“And, I'm super duper duper thankful for Tuntun, because this coming from an introvert ha, he respects my boundaries na I want to be alone, pero balanced, e, He knows how to bring the extrovert in me pala.

“I would say na parang key player si Tuntun, because hindi lang sa amin, nakikita ko din may big effect siya sa prod, sa crew.”

Sa isang exclusive interview ni Kristoffer Martin, nauna na niyang sinabi na mahalaga sa kanya ang good working relationship sa tuwing sasabak sa mga projects.

Ika niya, “They know that, dito sa cast ng BKAL (Babawiin Ko Ang Lahat) even to the staff, to the crew as much as possible as long as kaya ko maging light, kaya ko maging light.

“Seryoso ako sa trabaho, pero sa likod ng camera, sobrang ayoko kasi nagbibigay ng negative energy to people.”

Silipin ang buhay lock-in taping ng Babawiin Ko Ang Lahat cast sa Batangas sa gallery na ito:

EXCLUSIVE: Carmina Villarroel, aminadong naiyak nang mawalay sa pamilya nang sumabak sa lock-in taping

GMA brings together a powerful cast for upcoming drama series 'Babawiin Ko Ang Lahat'

Tanya Garcia, sa dating on-screen partner na si Dingdong Dantes, "Magiging crush mo rin, e."

EXCLUSIVE: Tanya Garcia-Lapid, may plano nga bang talikuran ang showbiz for good?