TV

EXCLUSIVE: 'Beautiful Justice' stars, saludo sa mga sakripisyo ng PDEA officers at agents

By Aedrianne Acar

Hindi matatawaran ang sakripisyo at trabaho na ginagawa ng mga tao na bumubo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para tuparin ang tungkulin nila na masugpo ang problema ng droga sa bansa.

Beautiful Justice

LOOK: 'Beautiful Justice' stars pay courtesy call on PDEA officers

Sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com sa mga bida ng Beautiful Justice kahapon, August 15, ibinahagi nila Yasmien Kurdi, Bea Binene at Gabbi Garcia ang mga natutunan nila sa pakikihalubilo sa officers at agents ng PDEA.

Ayon kay Yasmien, namulat siya na sobrang delikado ng ginagawang operasyon ng PDEA laban sa illegal na droga.

Tinawag din ng Kapuso actress na 'heroic' ang trabaho ng mga ito.

“Marami silang mga stories na kinuwento sa amin regarding 'yung mga ginagawa nilang operations.

“Kinukuwento nila 'yung hirap, 'yung mga namamatay. It's very risky, their job is very risky at talagang inaalay talaga nila ang kanilang buhay para sa bayan. So, it's very heroic.”

Dagdag naman ni Bea Binene na sobrang helpful ng mga ibinahaging experiences ng mga nakilala nila sa drug enforcement agency na magagamit nila para pagandahin at gawin 'true to life' ang Beautiful Justice.

“Sobrang helpful nung mga shini-share nilang mga experiences. Hindi lang for my role, but for the whole show.

“Kasi, talagang 'yung inputs nila sa show talagang nagagamit namin and personally bukod dun sa magagamit sa show, parang sobrang nafa-fascinate ako sa mga kuwento nila, kasi hindi naman natin alam kung ano 'yung talagang nangyayari at kung ano 'yung pinagdadaanan nila."

Binigyan diin naman ng “Millennial It” girl na si Gabbi Garcia na mahalaga na tama ang ibabahagi nilang impormasyon sa viewers ng kanilang primetime series.

“Well siyempre, we are spreading information, when it comes to this area. So we can't let them down and we can't spread fake news when it comes to handling guns or handling the situation for the drug related scenes 'di ba.

“So we have to be very careful and also in respect for them. And in respect for their job and also for the years they have been training, you don't want to mess that up.”

Abangan ang Beautiful Justice coming soon this September 2019!