TV

Valeen Montenegro, natuwa sa mainit na pagtanggap ng publiko sa 'Beautiful Justice'

By Aedrianne Acar

Mas pursigido at determinado ang buong cast ng Beautiful Justice ayon kay Valeen Montenegro na pagandahin ang mga susunod na episodes ng kanilang soap, matapos ang mainit na pagtanggap ng viewers sa kanilang pilot week.

Valeen Montenegro

Sa panayam ng GMANetwork.com sa sexy comedienne na gumaganap bilang si Lady M, sinabi nito na thankful siya sa natatanggap nilang good reviews so far.

Wika niya, “Nakakagulat na maganda 'yung reception ng mga tao. Hopefully hindi lang sila curious, hopefully we do beautiful justice talaga sa mga susunod pa ng mga episodes.

“I'm very, very thankful sa lahat ng mga nag-tweet, sa lahat ng mga suporta, sa lahat ng excited,”

Ibinahagi din ni Valeen na kahit ang direktor nila sa Bubble Gang na si Bert de Leon, sinabing "promising" ang action-drama series na Beautiful Justice.

“I'm happy with how people reacted to my character (Lady M), to everyone's character. To how it was executed even our director from Bubble Gang, si Direk Bert de Leon he said it looks promising daw. Maganda and mabilis 'yung putol-putol ng shots, ang ganda!”

Sundan ang mga plano ni Lady M na patahimikin ang gusto sumira sa drug syndicate na kinabibilangan niya sa Beautiful Justice gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

EXCLUSIVE: Anak ni Jestoni Alarcon, sasabak sa action-packed series na'Beautiful Justice'

Netizens, nadala sa emotional scene ni Yasmien Kurdi sa 'Beautiful Justice'

Derrick Monastero and Gil Cuerva cite Hollywood stars Keanu Reeves and Tom Cruise as pegs for characters in 'Beautiful Justice'