TV

EXCLUSIVE: Jason Abalos, masaya sa dalawang leading ladies sa 'Bihag'

Bahagi si Kapuso actor Jason Abalos ng upcoming GMA Afternoon Prime action-drama series na Bihag.

Jason Abalos

Gaganap siya dito bilang Brylle, isang gwapong doktor na maghahanap sa kanyang na-kidnap na anak habang sinusubukang itago mula sa kanyang asawa ang minsan niyang pagtataksil dito.

Si Max Collins ang gaganap bilang ang kanyang asawang si Jessie. Tila reunion project ito ng dalawa na minsan nang nagkatrabaho sa GMA Telebabad romantic comedy series na The One That Got Away.

IN PHOTOS: Max Collins and Jason Abalos, bibida sa bagong show na 'Bihag'

"Kasi 'di ba 'yung TOTGA, medyo light lang na romcom. Ito talagang heavy drama. Parang naga-adjust kami. Magiging mag-asawa kami dito. May anak kami. Tapos medyo mas mabigat 'yung obligasyon ng bawat characters namin," kuwento ni Jason sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Si Sophie Albert naman si Reign, ang babaeng magiging kahinaan ni Brylle. First time na magkakatrabaho nina Jason at Sophie sa Bihag.

WATCH: Max Collins at Jason Abalos, magkatrabaho ulit!

"Nagpapasalamat kami kasi tinanggap ni Sophie (ang role). Sobrang professional niya. Iba 'to sa kanya pero basta sa ikakaganda ng show, ginagawa ni Sophie 'yun. Natutuwa kami dahil meron kagaya niya sa show na 'to," pahayag ni Jason.

Abangan sina Jason, Max at Sophie sa Bihag, malapit na sa GMA Afternoon Prime!