TV

Pabubuhatan ng kamay ni Brylle si Jessie | Ep. 41

By Marah Ruiz

Sa May 29 episode ng Bihag, magiging kakampi ni Jessie (Max Collins) si Larry (Mark Herras) sa kulungan at mangangako itong tutulungan siya sa anumang paraan.

Susubukan naman ni Liza (Jade Lopez) na humanap ng pangpiyansa para kay Jessie.

Bibisitahin ni Brylle (Jason Abalos) si Jessie at mapapagbuhatan niya ito ng kamay dahil sa galit.

Panoorin ang highlights ng May 29 episode ng Bihag:




Tunghayan ang Bihag, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime.