TV

Mark Herras, nabihag ang puso ni Nicole Donesa?

By Aedrianne Acar

Maraming netizens ang nakapansin sa extra closeness ng Bihag co-stars na sina Mark Herras at Nicole Donesa sa latest Instagram photos ng huli.

Mark Herras

WATCH: Cast ng 'Bihag,' inalala ang kanilang most challenging scenes

Sa Instagram post ni Nicole ngayong Sabado, August 17, ibinahagi ng aktres ang ilan sa sweet photos nila ng aktor. Gumanap na Larry si Mark sa afternoon soap samantalang pinortray naman ni Nicole ang role na Martha.

My mga netizen na nagkomento sa Instagram post na ito ni Nicole at sinabing bagay silang dalawa.

Matatandaan na ex-girlfriend ni Mark Herras ang Kapuso beauty queen na si Winwyn Marquez. Tumagal din ng tatlong taon ang kanilang relasyon.

Mark Herras, nagsalita na tungkol sa dahilan ng breakup nila ni Winwyn Marquez