TV

Leading lady ni Ruru Madrid sa 'Black Rider,' dapat abangan

By Marah Ruiz

Magkakasamang sumabak sa training ang ilang miyembro ng cast ng upcoming full action series na Black Rider.

Pinangunahan ito ng bida ng serye na si Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid.

Kasama dito sina Katrina Halili, Jon Lucas, Dustin Yu, Saviour Ramos, Kim Perez, Joaquin Manansala, Vance Larena at ang pinakabagong miyembro ng cast na si Joem Bascon.

Sa ilalim ng kilalalang stunt coordinator at fight director ng serye na si Erwin Tagle, nagsanay ang grupo para sa mixed martial arts, action choreography, at gun handling and firing.

"'Yung Black Rider 'yung pinaka maaksiyon na [project na] maituturing ko. Noog binasa ko pa lang 'yung script, noong pinitch pa lang nila sa akin 'to, sinabi nila sa akin na it's gonna be pure action. Kahit na pagsamasamahin niyo lahat ng mga projects na nagawa ko at gawing isa, parang ito 'yung kalalabasan. Ganoon kabigat," bahagi ni Ruru.

Malapit na rin daw malaman kung sino ang magiging leading lady niya sa serye.

Bukod dito, marami pa raw iba pang artista ang dapat abangan sa mas lalong lumalaking cast ng Black Rider.

"Marami pa kaming mga sorpresang inihanda para sa inyo. Kung nagulat po kayo doon sa aming ginawang story conference at napakita po 'yung mga cast ng Black Rider, naku, hindi pa po 'yun lahat. Marami rin pong papasok dito na mga galing ng kabila pero ngayon nandito na rin po sa atin," lahad ni Ruru.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Abangan si Ruru Madrid sa Black Rider, soon on GMA Telebabad.

SAMANTALA, SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO: