Excited na ibinahagi ni Kapuso actress Kylie Padilla ang unang pagkakataong nakasama niya ang mga hinahangaang manlalaro ng billiards na sina Efren "Bata" Reyes, Francisco "Django" Bustamante, Rubilen "Bingkay" Amit, at Johann "Bad Koi" Gonzales Chua para sa bagong Kapuso serye na 'Bolera.'
Tingnan ang ilang mga larawang kuha sa set ng 'Bolera' kasama sina Efren Reyes, Francisco Bustamante, Rubilen Amit, at Johann Chua.
Nakasama ni Kylie na maglaro ang billiards legend na si Efren "Bata" Reyes.
Kapansin-pansin ang saya ni Kylie Padilla nang makasama sa unang pagkakataon ang tinaguriang "The Magician" sa mundo ng billiards.
Sa kauna-unahang pagkakataon nagsama-sama ang mga hinahangaang manlalaro ng billiards na sina Efren "Bata" Reyes, Francisco "Django" Bustamante, Rubilen "Bingkay" Amit, at Johann "Bad Koi" Gonzales Chua para sa bagong Kapuso serye na 'Bolera.'
Bukod sa billiards legend na si Efren Reyes, nakalaro rin ni Kylie ang 2010 WPA World Nine-ball Champion na si Francisco "Django" Bustamante.
Nagsilbi namang script consultant ng 'Bolera' ang kauna-unahang babaeng manlalaro ng bansa, si Rubilen "Bingkay" Amit, na naging world pool champion din.
Isa sa mga naging coach ni Kylie Padilla sa training para sa 'Bolera' ang Billiards World Champion at National Team Member na si Johann "Bad Koi" Gonzales Chua.
Muling nagkaharap sa isang laban sina billiards legends Efren "Bata" Reyes at Francisco "Django" Bustamante.
Mapapanood ang 'Bolera' soon sa GMA Telebabad.