TV

Kylie Padilla, agad na 'na-in love' sa role niya sa 'Bolera'

By Aimee Anoc

Ikinuwento ni Kylie Padilla na hindi siya nagdalawang isip na tanggapin agad ang role sa Bolera dahil sa ganda umano ng kuwento nito.

Sa naganap na kuwentuhan live sa TikTok kasama ang co-star na si Jak Roberto, sinabi ni Kylie na nagustuhan niya agad ang Bolera at hindi na inisip na "baka mahirapan sa pag-aaral ng billiards."

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)

"Wala, na-in love na ako agad--sa premise, sa story, sa concept. So, I knew na kaya kong mag-commit. Kasi nga, nanay na ako, namimili talaga ako ng show kasi alam kong mahirap siya. Lalo na 'yung mga lock-in, nag-a-anxiety ako," kuwento ni Kylie.

Dagdag niya, "Noong in-offer sa akin 'yung Bolera ang lagi ko nang iniisip nu'n, 'Yes go, gusto ko na s'ya.' Napakaganda po talaga ng kuwento. Hindi ako na-disappoint noong ginawa na namin.

"Noong isang araw nga sinasabi ko, 'Wow natapos na namin. Noong binabasa ko pa lang 'to nai-imagine ko pa lang.' But it was better than kung paano ko siya na-imagine. I'm so thankful sa show na ito."

Sa Bolera, gagampanan ni Kylie ang billiard prodigy na si Joni na sususbukang makapasok sa male-dominated sport na ito.

Makakasama rin ni Kylie sa seryeng itong sina Rayver Cruz, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, David Remo, at Al Tantay.

Abangan ang world premiere ng Bolera sa May 30 sa GMA Telebabad.

Tingnan ang last taping day ng Bolera sa gallery na ito: