TV

Kylie Padilla, nais magbigay inspirasyon sa mga kababaihan bilang si Joni sa 'Bolera'

By Aimee Anoc

Hindi lamang kasiyahan ang nais na maibigay ni Kapuso aktres Kylie Padilla sa bago niyang serye na Bolera dahil gusto rin niyang makapagbigay ng inspirasyon.

Sa interview sa "Stronger Together: The GMA Pinoy TV Podcast," sinabi ni Kylie na isa sa dahilan kung bakit agad niyang tinanggap ang role ni Joni sa bagong sports series ng GMA ay dahil gusto niyang makapagbigay inspirasyon lalo na sa mga kababaihan.

"Kasi nasa era na tayo na talagang women's empowerment na. It's our time para sa mga babae. I just really wanted to show the journey kasi not everyone is born strong, they go through some sorts of struggles and they triumph over it," pagbabahagi ng aktres.

Dagdag niya, "And iyon 'yung gusto kong maipakita kasi na-inlove din ako sa karakter ni Joni, ang dami niyang pagdadaanan. 'Di ba kapag pinanood ng mga tao I just want them to feel like kahit anong pinagdadaanan mo magiging okay ka rin in the end. Just be strong."

Ikinuwento rin ng aktres ang sayang nararamdaman ngayong patuloy siyang nagle-"level up" hindi lang sa paglalaro ng billiards kundi maging sa kanyang buhay.

"When I first started hindi ako marunong but now I can beat my colleagues. Natatalo ko na sila and I'm so proud.

"Kasi ang sarap nu'n 'di ba kapag pumasok ka sa isang bagay na wala kang alam tapos biglang nagkaroon ng growth, alam mong nagle-level up ka. Dapat sa buhay palagi tayong nagle-level up, iyon 'yung goal ko sa lahat ng bagay hindi lang sa billiards," sabi ng aktres.

Patuloy na subaybayan si Kylie Padilla sa Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady.

Samantala, tingnan ang mga obra ni Kylie Padilla sa gallery ng ito: