TV

Ina Raymundo bilang 'White Lotus,' abangan sa 'Bolera'

By Aimee Anoc

Kaabang-abang ang espesyal na partisipasyon ni Ina Raymundo ngayong linggo sa Bolera bilang "White Lotus."

Sa teaser na ibinahagi ng Bolera noong Biyernes, ipinakita ang pagdating ni White Lotus sa isang tournament kung saan naroroon sina Joni (Kylie Padilla) at Miguel (Rayver Cruz). Kapansin-pansin din ang pagkamangha ni Joni nang sabihin ni Miguel ang pangalang White Lotus.

Pero sino nga ba si White Lotus sa mundo ng billiards? Magiging kakampi kaya siya o kalaban ng ating Bolera?

Abangan si Ina Raymundo bilang White Lotus sa Bolera, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang iba pang cast ng Bolera sa gallery na ito: