TV

Klea Pineda earns the praise of netizens for her first Kontrabida stint as Golden Eye in 'Bolera'

By Aimee Anoc

Umani ng papuri mula sa netizens si Kapuso actress Klea Pineda dahil sa mahusay na pagkakaganap nito sa kanyang kauna-unahang kontrabida role bilang si Sheena a.k.a "Golden Eye" sa sports drama series na Bolera.

"Nakaaasar," "nakaiinis," at "nakagigigil." Ilan lamang 'yan sa mga komento ng netizens sa epektibong pagganap ni Klea kay Golden Eye.

Ayon kay Gladys Alfonso, bukod kina Stella at Cesar sa afternoon series na Apoy Sa Langit ay na-i-"stress" din siya sa gabi dahil kay Golden Eye.

Humanga naman si Evelyn Lucas Orolfo sa husay ni Klea "mang-inis" bilang Golden Eye. Dagdag naman ni Racquel Ignacio, "parang natural lang ang acting."

Talaga namang inabangan ng Kapuso viewers ang muling paghaharap nina Joni (Kylie Padilla) at Golden Eye sa Mixed Doubles 9-ball Tournament na naganap kahapon, July 18.

Sa pagkakataong ito, hindi na nagpadala si Joni sa dirty tricks ni Golden Eye at naiuwi niya ang tropeo kasama si Miguel "El Salvador" (Rayver Cruz).

Nakakuha ang episode na ito ng ratings na 14.5 percent base sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines.

Patuloy na subaybayan ang Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng Lolong sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NI KLEA PINEDA BILANG "GOLDEN EYE" SA BOLERA RITO: