TV

Kylie Padilla on working with Rayver Cruz in 'Bolera': 'He pushes me to be a better actress myself'

By Aimee Anoc

Masaya si Kylie Padilla sa pagkakataon na muling makatrabaho sa isang proyekto si Rayver Cruz.

Hindi ito ang unang beses na nakasama ng aktres sa isang proyekto ang aktor dahil nagkatrabaho na rin sila sa horror film na Dilim noong 2014.

Pero ayon kay Kylie, sa Bolera niya nadiskubre na mahusay sa heavy drama ang aktor.

"Kasi 'yung pelikula na ginawa namin hindi naman s'ya masyadong heavy, horror 'yun 'e. 'Di ko siya nakaeksena sa mga ganoon. Dito ang bigat ng mga eksena namin. Ang galing niya kahit maraming distractions, wala pokus talaga siya," sabi ni Kylie.

Sa Instagram, ibinahagi rin ni Kylie kung gaano kasaya katrabaho si Rayver. Aniya, "Sobrang joker ni Ray but then magugulat ka sobrang husay in every scene. He pushes me to be a better actress myself."

Sa Bolera, ginagampanan nina Kylie at Rayver ang papel nina Joni at Miguel, na ngayon ay magkasintahan na sa serye.

Patuloy na subaybayan sina Kylie at Rayver kasama sina Jak Roberto, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, at David Remo sa huling tatlong linggo ng Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG BOLERA RITO: