TV

READ: Aiai Delas Alas, nagkuwento tungkol sa bago nilang show ni Bossing Vic Sotto

By Aedrianne Acar

 

 

Ilang tulog na lang at mapapanood na ng mga Kapuso ang pinakabagong late night Sunday offering ng Kapuso Network na Bossing & Ai.

WATCH: 'Bossing & Ai' premieres this September 24!

Pangungunahan ito ng Royal couple of comedy na sina Bossing Vic Sotto at Comedy Queen Aiai Delas Alas. Makakasama rin ng unbeatable duo ang dashing celebrity dad na si Oyo Sotto.

Nagbigay ng ilang detalye si Aiai nang makapanayam siya ng entertainment press sa Romulo Café, Tomas Morato, ngayong Miyerkules ng tanghali kung ano-ano ang dapat abangan sa unique concept ng show nila na game show at gag show at the same time.

Paliwanag ng Kapuso comedienne, “Masaya siya, iba siya. Happy show ‘to tapos new games, new gags ibang-iba ‘to. Ang layo nito dun sa dati naming show and masaya siya, millennial.”

Huwag palagpasin ang pilot episode ng Bossing & Ai sa Sunday Grande sa gabi sa September 24 pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.