TV

RJ Padilla, muling mapanonood sa 'Bubble Gang?'

By Aedrianne Acar

Emosyonal ang naging mensahe ni RJ Padilla sa Instagram para sa bumubuo ng longest-running gag show na Bubble Gang, matapos muling makapag-guest sa gag show.

RJ Padilla

Matatandaan na kinailangan umalis ni RJ sa award-winning comedy program noong 2017 para mag-migrate sa Australia kasama ang kanyang pamilya.

Sa post ng aktor, sinabi niya na isang “karangalan” na muling makatrabaho ang kanyang mga Kababol.

Taos-puso din ang pasasalamat niya sa natanggap niyang pagmamahal at suporta sa Bubble Gang na tinuturing niyang pamilya.

Ani RJ, “To God be the Glory! its Good to be back! And its my honor to work with you guys once again! #sowlidfeeling big thanks to my bubble gang family for your love,support and ofcouse welcoming me back!

"Thank you kuya @michaelbitoy at @paolo_contis Big Big SOWLID blessing!! #abangansabubblegang”

LOOK: Is RJ Padilla brewing a showbiz comeback?

READ: RJ Padilla writes a touching message for the cast of 'Bubble Gang'