TV

Bert Maligaya, nabugbog ni Angelo Santos sa 'Starpok'


Isa sa mga naging segments ng Bubble Gang last Friday, March 21, ay ang 'Starpok' starring mainstays Antonio Aquitania as the host Angelo Santos and Betong Sumaya as the guest Bert Maligaya.

Ayon kay Angelo, ito "ang show na walang inuurungan at palaban." At dahil si Bert ay tinuturing na heartthrob ng Pilipinas, gustong alamin ni Angelo kung totoo ba ang mga tsismis na kumakalat tungkol sa aktor.

Unang tinanong ni Angelo ang tungkol sa love life ni Bert. Madalas daw kasi siyang makita na kasama at ka-holding hands si Maya Santiago.

"Wala kaming relasyon. We're just friends," ang naging sagot ni Bert.

Tila hindi natuwa si Angelo sa sagot ng aktor kaya sinuntok niya ito. "Mabilis kasing mag-init ang ulo ko sa mga taong hindi nagsasabi ng totoo. Pasensiya ka na, sorry," paliwanag ng host.

Ang next question ang patungkol naman sa relasyon ni Bert sa kanyang manager. Totoo kayang iiwan na niya ito at naghahanap na siya ng kapalit?

"Wala namang ganung usapan na napag-uusapan ngayon. I'll just cross the bridge when I get there."

Muling uminit ang ulo ni Angelo sa sagot ni Bert, at sinabayan pa niya ito ng marami-raming suntok at tadyak. "Alam mo, masyadong showbiz 'yung sagot mo. Parang narinig ko na 'yun eh!"

Ang huling tanong ni Angelo: "Madalas ka daw nakikita sa mga charity event. Mahilig ka rin daw sumawsaw sa mga politika, 'yung nakikisawsaw ka daw sa usapin nila. Gaano katotoo na tatakbo ka sa susunod na eleksiyon? Sumagot ka ng tama, Bert!"

"Sasagot po ako! Sasagot po ako!" sigaw ni Bert, "To be honest po, gusto ko lang po magpakatotoo. No comment po, para safe po, no comment!"

Hindi na nakapagpigil si Angelo at tuluyan na niyang binugbog si Bert. Napahiga na lamang ito sa sahig ng set habang namimilipit sa sakit.

Sino kaya ang susunod na makakapanayam ni Angelo Santos sa 'Starpok'? Abangan sa Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi, pagkatapos ng Rhodora X. -- Text by Michelle Caligan, GMANetwork.com