TV

Tata Lino's words of wisdom: Flappy Bird, 'No ID, No Entry', and 'No Guts, No Glory'

Bubble Gang ang mapapanood natin ngayong Biyernes. Pero bago tayo matawa sa mga payo ni Tata Lino sa kanyang segment, balikan muna natin ang mga problemang ikinonsulta sa kanya, at ang naging payo niya sa mga ito.

Sina Betong Sumaya, Paolo Contis, Sheena Halili, Roadfill at Diego ang mga nagtanong. And as always, wala pang tinatanong si Diego ay may sagot agad si Tata Lino.

Betong Sumaya: "Tata Lino, ang laki po ng problema ko. Feeling ko hindi ko na po kakayanin eh. Feeling ko po, ako na ang pinakamalas na tao sa mundo. Kailangan ko po ng payo niyo."
Tata Lino: "Hijo, sa mundo, hindi lang ikaw ang nakikipagsapalaran. Ultimo si Flappy Bird may pinagdaraanan."

Paolo Contis:"Tata Lino, 'yung asawa ko po kasi, sa tuwing nagsisiping kami, gusto po niya na medyo sinasaktan ko siya. Pagkatapos, gusto niyang binabanggit ko lagi ang pangalan niya. Kapag hindi ko ginagawa, nawawalan siya ng gana, nabibitin tuloy. Ano po ang gagawin ko?"
Tata Lino: "No Guts, No Glory. No ID, No Entry."

Sheena Halili: "Tata Lino, may bago na po akong boyfriend. Kaya lang po, 'yung friend ko, sabi niya hindi daw po kami bagay. Malas daw po ang relationship namin."
Tata Lino: "Hija, sa gubat, huwag mong alalahanin ang malas. Tingnan mo ang iyong landas, baka mamaya may ahas."

Roadfill: "Tata Lino, on and off po kami ng girlfriend ko. Madalas siya nga nakikipag-break eh. Kaso, pupuntahan niya ako then okay na kami. Tapos ngayon naman, hindi na nagpaparamdam. Ano pong gagawin ko?"
Tata Lino: "Hijo, huwag kang mag-alala. Maaalala ka rin niya, lalo na kapag gipit at walang wala siya."

Diego: "Tata Lino..."
Tata Lino: "Diego, Diego, Diego. Medyo pagod na ako. Hayaan mong makipag-usap sa 'yo itong loro."

Ano pa kayang mga problema ang haharapin ni Tata Lino? Alamin ngayong Biyernes sa longest running gag show ng bansa, Bubble Gang, pagkatapos ng GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, GMANetwork.com