
Mga inaanak, huwag palampasin ang all-new episode ng award-winning gag show na Bubble Gang ngayong Biyernes ng gabi dahil ife-flex na ng highly-respected comedian na si Michael V. ang bago niyang karakter!
Noong Mayo, may pasilip na si Direk Michael sa new character na 'tila hawig sa celebrity chef at vlogger na si Ninong Ry o Ryan Morales Reyes sa totoong buhay.
Kahit si Ninong Ry, ineganyo ang kaniyang mga inaanak at followers online na panoorin ang special episode ng flagship comedy program ng GMA-7 this week.
Buhos din ang papuri kay Bitoy sa bagong pakulot na ito na tiyak maghahatid ng good vibes sa atin, mga Kababol.
Source: ninongry (IG)
Kaya maki-tambay at nood na ng funny episode ng longest-running gag show na Bubble Gang, ngayong June 9 sa oras na 9:40 p.m..
TARA AT ATING BALIKAN ANG ILAN SA PATOK NA PARODY SONGS NI MICHAEL V. RITO: