TV

Buboy Villar, reunited sa kanyang dating direktor na si Frasco Mortiz sa 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar

Maituturing na special moment para sa Sparkle comedian-vlogger na si Buboy Villar ang kanyang pagiging official cast member ng Bubble Gang dahil reunited siya sa kanyang director noon na si Frasco Mortiz.

Bago naging Kapuso child star si Buboy at lumabas sa ilang patok na serye sa kanyang home network, dati siyang napanood sa defunct kiddie gag show na Goin' Bulilit, kung saan nakatrabaho niya si Direk Frasco.

“Nakakatuwa po, kasi nostalgic," kuwento ni Buboy tungkol kay Direk Frasco na director niya ngayon sa Bubble Gang,

“Masaya kasi naabutan ko po siya tapos naging director ko siya ngayon. Kasi nakakatuwa na from doon, dito naman ngayon, natutuwa ako na maituloy ko 'yung hindi ko natapos doon. Ngayon, mas masaya kasi nandito sina Kuya Bitoy, sina Kuya Paolo, si Kokoy, lahat naman sila nakasama ko."

Dagdag pa ng social media star, “So iba itong Bubble Gang kasi isang comedy show. So mas na-e-excite ako ng ganun, kasama sila at proud ako na maging one of the gang.”

Natatawa namang inamin ni Direk Frasco na parang naramdaman daw niya bigla ang kanyang edad nang muling makasama si Buboy.

Aniya, “Si Buboy naman, nakakatuwa. Si Buboy, nakasama ko siya, Goin' Bulilit days pa. Nag-Goin' Bulilit siya ng ilang buwan before siya nag-transfer sa GMA. Nung nagkita kami, tawa siya nang tawa sabi, 'Direk!'

“'Tapos sabi ko, naramdaman ko 'yung edad ko bigla.”

Pinuri rin ng Kapuso director ang husay ni Buboy bilang isang comedian.

“Mga nine years old yata siya nung nakasama ko and then fast-forward to now, kasama ko siya sa Bubble Gang. Si Buboy naman, very reliable as a comedian. Marami siya kayang gawin, iba't ibang character, very versatile. So kailangan namin ng ganun, lalo na si Sef [Cadayona], kasi pahinga muna sa Bubble. So, kailangan namin ng big shoe to fill, dahil iba 'yung ginagawa ni Sef before.”

Walang aabsent at manood ng tawanan na hatid ng Bubble Gang sa Sunday Grande sa Sabi sa oras na 6:00 p.m.

CHECK OUT THE FUN PICTORIAL WITH THE 'BUBBLE GANG' CAST HERE: