TV

EXCLUSIVE: Diego Llorico, isiniwalat ang sikreto kung bakit 'di naluluma ang 'Bubble Gang'

By AEDRIANNE ACAR

 

Hindi n’yo dapat palampasin mga Kapuso ang two-part TV special na inihahanda ng Bubble Gang para sa kanilang 21st anniversary celebration. 

Sa darating na November 25 at December 2 mapapanood ng buong mundo ang 21 Gang Salute ng gag show na tiyak bubusugin kayo sa katatawanan at nakamamanghang performances ng mga pinakamagagaling na comedy stars ng bansa. 

Sa exclusive na panayam ng GMANetwork.com sa Bubble Gang veteran na si Diego Llorico, tinanong namin siya kung ano ang sikreto ng kanilang show kaya tumagal ito ng mahigit sa dalawang dekada. 

EXCLUSIVE: Is Diego Llorico bothered by the rival program of 'Bubble Gang?'

Saad ni Diego, “Sikreto, parang wala naman nagta-trabaho lang rin kami. Siguro sikreto is masayang samahan, tapos fresh ‘yung mga jokes, hindi sila tumitigil sa paggawa ng mas bagong jokes. Tapos ‘yung mga writers, hindi sila tumitigil.”

Pinaliwanag din ni Diego na ang mga bagong Kababol tulad nila Valeen Montenegro, Kim Domingo at Jak Roberto ay malaking tulong para mas lalong abangan at maging relevant ang gag show sa panahon ngayon. 

Dagdag niya na masarap din daw makatrabaho ang mga baguhan sa Bubble Gang

Aniya, “Nakakatulong din ‘yung paglagay ng mga bagong mukha, fresh faces… Walang dahilan para sabihin na naluluma ‘yung show.”

“Siyempre nakakatuwa na nakakatrabaho mo pa ‘yung mga bata ngayon 'di ba, so ayun nagji-jive naman. Maganda ‘yung rapport sa isa’t isa.”

MORE ON 'BUBBLE GANG':  

LOOK: Ogie Alcasid, magbabalik na ba sa 'Bubble Gang'?
         
WATCH: Michael V's 'Pen Pineapple Apple Pen' video hits 2.7M views in less than a week

IN PHOTOS: Nine guys we terribly miss watching on 'Bubble Gang'