TV

EXCLUSIVE: 'Bubble Gang' acts as a springboard for Betong Sumaya's fruitful showbiz career

By Aedrianne Acar

 

 

Blessing na maituturing ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya ang pagkakasama niya sa longest-running gag show na Bubble Gang.

EXCLUSIVE: Arny Ross aminadong pinipiga sila ng todo sa training para sa anniversary special ng 'Bubble Gang'

Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com sa aktor na nagbibigay buhay sa role ni Antonietta, panay ang pasasalamat nito sa lahat ng mga tao na bumubuo sa gag show.

Ani Betong, “Sobrang looking back, ito lang [ang] masasabi ko - sobrang blessed and thankful na mapasama sa ganito, institusyon na ‘tong Bubble Gang eh.”

Dagdag niya, “Siyempre kina Kuya Bitoy, 'yan talagang nariyan [siya] sumusuporta sa amin. Siyempre sa lahat ng staff, mga boss namin, kay Ma'am Bang [Arespacochaga], Kuya Roy [San Luis] at lahat ng writers.”

Malaki rin ang parte ng Bubble Gang sa career ni Betong dahil ito ang naging tulay para sa iba’t-ibang projects ng Kapuso comedian.

Hindi na mabilang ang shows ni Betong sa TV matapos siya maging parte ng gag show. Ilan sa mga ito ay ang Juan Tamad, Laff, Camera, Action!, Tsuperhero at host din siya ngayon ng All-Star Videoke.

“Yes, oo! Ito kasi ‘yung kauna-unahan kong show na talagang naging part talaga ako so talagang malaking parte siya ng buhay ko na nagbukas ng maraming opportunities,” saad niya.

Dagdag pa niya, “Kasi 'pag nasa Bubble Gang ka, nakikita nila na 'yung mga ginagawa kasi namin dito ay iba-ibang roles eh. So parang nabibigyan kami ng [way] na ‘ah puwede pala siya gumanap na ganito sa ibang shows.'”

Mga Kapuso, panoorin at tutukan ang espesyal na handog ng buong Bubble barkada sa nalalapit nilang 22nd anniversary special this November. Masisilayan ninyo sila sa isang broadway musical featuring the songs of OPM band Parokya ni Edgar.

Abangan 'yan, mga Kapuso!