TV

EXCLUSIVE: Chariz Solomon game sa puyatan para sa engrandeng musical play ng 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar

 

 

Level-up ang rehearsal ng buong Bubble Gang barkada para sa malaki nilang pagtatangal sa kanilang 22nd anniversary special, kung saan tampok ang OPM hits ng bandang Parokya ni Edgar.

WATCH: Ready na ba kayo sa isang suwabeng musical tampok ang 'Bubble Gang' stars?

Sa kantunayan nagbigay ng ilang detalye ang Kapuso comedienne na si Chariz Solomon sa exclusive interview nito sa GMANetwork.com, patungkol sa kanilang paghahanda para sa ‘Parokya Bente Dos: A Laugh Story.’

Ayon sa Bubble Gang actress hindi maiwasan ang mapuyat sila para mapaganda ang kanilang anniversary offering.

“Puyat ngayon dahil siyempre may iba rin shows na ginagawa, may sinisumulan akong ibang show. Tapos, ito nga kasabay nga,”

Dagdag nito, “Nagti-taping kami, nagre-rehearse din kami at the same time. Tapos, lahat ng free days namin ngayon except the weekends, rehearsal.”

Challenging din daw ang kakantahin niya sa musical play, kaya naman inalagaan niya ang kaniyang boses para maibigay ang best niya.

“Actually ‘yung mahirap na part ko sa play ‘yung isang song kasi panlalaki kasi ‘yung song tapos kailangan mo siyang kantahin, mas maganda siya kantahin in a female pitch, so medyo mataas siya.”

“Kino-conserve ko ‘yung voice ko as much as possible hangga’t kaya. Napakahirap nun para sa akin, dahil daldalita ako.”