TV

READ: Paolo Contis sobrang kabado na gawin ang 'Parokya Bente Dos: A Laugh Story'

By Aedrianne Acar

 

Kakaibang kaba at pressure ang naramdaman ng Bubble Gang mainstay na si Paolo Contis sa musical play nila para sa ika-dalawampu’t dalawang anibersaryo ng Kapuso gag show. 

LOOK: The grand presscon of 'Parokya Bente Dos: A Laugh Story'

Matutunghayan sa darating na November 17 at November 24 ang two-part TV special na Parokya Bente Dos: A Laugh Story kung saan tampok ang mga hits ng favorite OPM band ng bayan na Parokya ni Edgar.

Sa panayam ni Cata Tibayan kay Paolo sa grand presccon ng Bubble Gang, inilahad ng versatile actor ang nararamdaman niyang pressure sa ganito kalaking pagtatanghal ng award-winning comedy program.

Aniya, “Sobrang kaba! Sa totoo lang last week nung nag-rehearse kami nung may konting nandiyan si Ms. Bang [Arespacochaga] ano ako, nawala kanta ko. Iba ‘yung pressure, thankful kami na mga nakabantay sa amin sina Direk Rem, sina Vince were in good hands. That’s why hanggang hindi sila nagpa-panic, hindi kami magpa-panic.”

Ayon din sa Kapuso actor, walang puwang ang pagkakamali sa musical play na kanilang gagawin.

“Mahirap eh, mahirap. Of course hindi lang sarili mo dala mo [kundi] ‘yung buong show. Magkamali ka maaring ikamali na nang lahat 'yun,”

Para naman sa newbie na si Lovely Abella, sobra naman daw siyang nag-enjoy sa preparasyon nila sa Parokya Bente Dos, dahil first time niya kakanta sa TV.

Saad ni Lovely, “Ako naman po, ang pinakapaborito kong part ay ang pagkanta, charot! Dahil dito talaga nailabas ko ‘yung hidden talent [ko]… 'Yung pagkanta talaga, kasi first time ko kumanta on TV.”